Panibagong usapang pangkapayapaan sa NPA, ekis kay Teodoro

Share

WALANG negosasyong magaganap sa isinusulong na panibagong usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at New Peoples Army (NPA), ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

“Hindi. Tutol tayo sa anumang usapang pangkapayapaan sa NPA,” ang sagot ni Teodoro sa tanong kung payag ba ang pamahalaan na makipag-usap sa mga rebelde.

Ayon kay Teodoro, handa na ang Philippine Army na harapin ang planong imbestigasyon ng senado sa nangyaring sagupaan noong Abril 19 sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan sa Toboso, Negros Occidental.

“Ang mga Filipino ay payapa na. Sila itong nanggugulo sa kapayapaan, kaya bakit tayo makikipag-usap sa kanila? Sila itong gumagawa ng krimen,” dagdag pa ng kalihim.

BASAHIN  Bagong chairman ng PCSO na si Felix Reyes ibinida ni GM Mel Robles

Matatandaan na 19 ang patay sa nangyaring sagupaan at giit ng mga rebelde, may mga nadamay na sibilyan ngunit pinasinungalingan naman ito ng pamahalaan at sinabing nakipagbarilan ang mga sinasabing sibilyan.

“Gumagawa sila ng krimen at terorismo, ganun lang kasimple. Kaya ang panawagan ng usapang pangkapayapaan ay nangangahulugan lamang na lehitimo ang kanilang ipinaglalaban, at iyon ang hindi ko matatanggap,” ayon pa kay Teodoro.

IBA PANG BALITA

Lacson: Impeachment trial ni VP Sara sa Hunyo pa lalarga

INIHAYAG ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na posible aniya na sa Hunyo pa magsisimula ang impeachment trial sa senado laban kay Vice...

Preno muna sa mga bagong TNVS drivers, MC taxi riders

SINUSPENDI ng Department of Transportation (DOTr) ang pagdagdag ng mga bagong motorcycle taxi riders at transport network vehicle service (TNVS) drivers alinsunod sa limitasyon...

Atty. Mark Tolentino kinuwestyon ang ‘non-bailable’ case vs Sonza

KINUWESTYON ni Atty. Mark Tolentino, ang abogado ng dating broadcaster na si Jay Sonza kung bakit non-bailable ang kaso ng kaniyang kliyente batay sa...

Jay Sonza inaresto ng NBI sa kasong cyber libel

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating broadcast journalist na si Jay Sonza kaugnay sa kinakaharap nitong kaso na...

₱1-M halaga ng shabu nasamsam sa 4 HVIs sa Rizal

APAT katao ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team ng San Mateo Municipal Police Station (San Mateo MPS) sa Brgy....

Mga empleyado ng senado, maagang pinauwi ngayong araw

Maagang pinauwi ngayong araw ang mga empleyado ng senado Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug, nakasaad na utos ni Senate President Juan Miguel Zubiri na...