Home Police Story Matapos isyuhan ng arrest warrant, Barzaga boluntaryong sumuko

Matapos isyuhan ng arrest warrant, Barzaga boluntaryong sumuko

0
Si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga (Photo: Cavite PNP-PIO)

BOLUNTARYONG sumuko si Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga sa Dasmariñas Component City Police Station kaninang alas-6:59 ng gabi.

Ito ay matapos maglabas ng warrant of arrest si Presiding Judge Karla Regina Valera-Chua ng Makati City Regional Trial Court Branch 147 laban sa mambabatas.

Kaugnay ito sa walong bilang ng cyberlibel na isinampa laban sa kanya nina Rep. Rolando Valeriano ng Maynila, House Deputy Speaker Ronaldo Puno ng Antipolo City at negosyanteng si Enrique Razon.

Itinakda ng korte ang piyansa sa halagang apatnapu’t walong libong piso sa bawat bilang ng kaso o may kabuuang P384,000.

Nag-ugat ang nasabing kaso nang sinabi ni Barzaga noong Enero 9, 2026 na tumanggap umano ng “suhol” ang ilang mamababatas na kabilang sa National Unity Party (NUP) mula sa negosyante bilang kapalit ng suporta kay Rep. Martin Romualdez noong 2025 para manatiling Speaker ng Kongreso. (AR BERNARDO)

Exit mobile version