TD Wilma pinaghahandaan na ng NGCP

PINAGHAHANDAAN na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang magiging epekto ng pananalasa ng Bagyong #WilmaPH.

Ang bagyo ay inaasahang dadaan sa Eastern Visayas at lalawigan ng Dinagat Islands ngayong Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa NGCP, ipinatutupad na nila ang kinakailangang mga paghahanda at pag-iingat upang mabawasan ang anumang epeketo ng bagyo sa operasyon ng kanilang mga transmission at pasilidad.

Kasama sa kanilang mga paghahanda ay ang pagtiyak na gagana ang mga kagamitan sa komunikasyon, nakahanda nang mga materyales at hardware supply sa pagkumpuni ng masisirang pasilidad.

Pati ang kanilang mga tauhan ay naka-posisyon na rin sa mga estratehikong lugar upang mabilisang maayos ang anumang sira at maibalik kaagad ang serbisyo.

Nakasaad sa Integrated Disaster Action Plan (IDAP) ng NGCP ang nasabing mga pamamaraan upang siguruhin na nasa maayos na kalagayan ang mga power transmission na posibleng maapektuhan sa pananalasa ng bagyo.

Idinagdag pa ng Pag-asa na tutuloy ang bagyo sa Visayas sa Disyembre 7 (Linggo) at sa Sulu Sea at babagtas hilagang Palawan sa Lunes ng umaga, Disyembre 8.

Ang Tropical Depression ay nakita 235km sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar na may lakas ng na 45km per hour (kph) malapit sa gitna at bugso ng hangin na aabot sa 55kph.

Nananatili ang signal number one sa Hilagang bahagi ng Sorsogon (Matnog, Bulan, Irosin, Santa Magdalena, Bulusan, Barcelona, Magallanes, Juban, Casiguran, Gubat), Sentro ng Masbate, lakip na ang Ticao Island.

Apektado rin ang Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu kasama na ang Bantayan at Camotes Islands, Bohol, Siquijor, buong Western Visayas kasama na ang Guimaras.

IBA PANG BALITA

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín...

Mister tinapos ang sariling buhay matapos palakulin si misis

ISANG kaso ng parricide ang iniulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) matapos matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang misis na sugatan...

Carnapper na nang-blackmail sa Rizal, arestado 

ARESTADO ang isang lalaki nang masakote ng mga pulis matapos manghingi ng pera sa biktima para maisauli ang ninakaw na motor sa Antipolo City,...

AFP: Napaslang na aktibistang UP student sa NegOcc ‘armado,’ may ‘combat rig’

NANININDIGAN ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang naunang pahayag na ang napaslang na estudyante ng University of the Philippines (UP) sa...

Meralco muling nagbabala: Ang pagnanakaw ay ‘nakakakuryente’

NAGBABALA muli ang Manila Electric Company (Meralco) laban sa nagbabalak magnakaw ng mga materyales o kawad ng kuryente sa kanilang mga pasilidad. Ito’y matapos masawi...