Flood control corruption docs ni Magalong isusumite kay PBBM

MATAPOS makiusap ang Palasyo, isusumite na ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang umano’y hawak nitong mga dokumento na naglalaman ng mga impormasyon kaugnay sa mga alegasyon ng korapsyon sa mga flood control projects.

“Nagsalita na si [Atty. Claire Castro ng PCO] na sinabi na puwede akong makipag-ugnayan sa presidente anumang oras. Inaayos lang namin yung mga dokumento para yung maitu-turn over,” sabi ni Magalong.

Ayon sa alkalde, may impormasyon siya na umaabot sa 40% ang natatanggap ng mga “congtractors” sa mga flood control projects na nagsisilbing kickback ng mga ito.

Kaya ayon kay Magalong, dahil sa nangyayaring korapsyon sag a nasabing proyekto 30% na lang ang natitira sa budget ng proyekto kaya bagsak ang kalidad ng mga flood control system.

Sumang-ayon din ang alkalde sa sinabi ni House Majority Leader Sandro Marcos na hindi dapat mga congressman ang magsasagawa ng imbestigasyon sa nasabing kontrobersya dahil marami ang sangkot sa mga nasabing proyekto.

Idinagdag pa ni Magalong na mas mainam aniya na third par yang dapat manguna sa gagawing imbestigasyon at interesado rin umano siya na pangunahan ito.

“Yes, kasi nga nag-volunteer ako, ‘di ba. Kaya lang, alam mo ang intensyon ko doon at nais kong idiin na dapat third party ang mag-imbestiga, independent body dapat,” sambit pa ng Baguio City mayor.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...