VP Sara nangakong ‘di aatrasan mga alegasyon laban sa kaniya

NANGAKO si Vice President Sara Duterte na sasagutin niya sa proper forum ang lahat ng mga alegasyon laban sa kaniya partikular na ang di-umano’y maanomalyang paggasta ng confidential fund.

Kalakip ng iba pang seryosong akusasyon laban sa pangalawang pangulo, ang maling paggamit umano ng confidential fund ang naging dahilan kung bakit naging nagpursige ang mga kalaban para siya ay ma-impeached sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“Kung may kaso, ipapaliwanag namin ito sa proper forum. Noon pa mang sinabi nila na magpa-file sila ng Articles of Impeachment ay binanggit na namin na handang sagutin ng depensa ang mga akusasyon ng taga-usig mula sa Kongreso,” ang pahayag ni Duterte.

“Nung umabot sa Korte Suprema ang kaso, binigay namin ang lahat ng hinihingi ng Korte. Sa tamang lugar at forum ilalatag namin ang kinakailangang mga sagot at paliwanag sa mga akusasyon nila laban sa akin,” dagdag pa ng pangalawang pangulo.

Ngunit sinabi ni Duterte na kailangan aniya ang mga akusasyon ay hindi lamang basta isang “moro-moro” at mga alegasyong may kinikilingan.

“Dapat hindi ito isang pakitang-tao lamang na paglilitis kung saan basta lang nila aakusahan ang isa sa napili nilang lugar at panahon,” ayon pa sa dating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.

Matatandaan na nag-file ng tatlong impeachment complaints sa House of Representatives (HOR) ang mga kalaban sa pulitika ng pangalawang pangulo may kaugnayan sa maanomalyang paggamit umano ng confidential funds.

At Pebrero nitong taon ay ang ika-apat na impeachment complaint na inendorso at pinirmahan ng one-third member ng HOR, na-impeached si VP Sara at ipinadala ang kanilang pasya sa senado.

Dahil dito ay nagsampa ng kaso ang panig ng pangalawang pangulo na sinang-ayunan naman ng Kataas-taasang Hukuman na ang ika-apat na impeachment complaints ay labag sa Saligang Batas.

Noong nakaraang linggo, nagpasya ang Senado na ilagay muna sa “baul” (archived) ang impeachment complaint laban kay VP Sara habang hinihintay ang resulta ng motion for reconsideration ng HOR sa Korte Suprema.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...