33.4 C
Manila
Friday, February 28, 2025

Karambola ng tatlong motorsiklo, 1 dedo

DEAD on arrival ang isang motorcycle rider matapos itong makabanggan ang isa pang kasalubong na rider sa kahabaan ng Manila East Road, Sitio Bulacan 1, Brgy. Bagumbayan, Pililla, Rizal dakong alas-7 ng umaga, Pebrero 27, 2025.

Kinilala ni PCol. Felipe Maraggun, provincial director ng Rizal PNP, ang mga biktimang sina Jessie Masarap, 43, at angkas nitong security guard din ng Pililla Wind Power Corporation na si Arvin Ocab, 31, maglive-in partner na sina Michael Babehis, 40, at Lynn Baldemoro, 37 ng Caloocan City.

Samantala, kinilala naman ang namatay na suspek na si alyas “Jorel,” 23, na nakatira sa Upper Belleza St., Brgy. Malaya, Pililla, Rizal.

Ayon sa ulat, magka-angkas sa Kawasaki Barako (BC175J) ang dalawang security guard patungong trabaho at kasunod naman nila si alyas “Jorel” na nakasakay sa Rusi motorcycle nito na may temporary plate number 040110.

BASAHIN  Senior Citizen dinampot sa pagma-mahjong

Sinabi pa sa ulat na nag-signal light ang Kawasaki Barako pakaliwa ngunit nasagi ito ng kasunod na Rusi motorcycle hanggang sa lumipat ito ng linya at bumangga sa kasalubong nito na sina Babehis at Baldemoro sakay ng Yamaha Aerox (N664CQ) na ang direksyon ay patungong Laguna.

Walang tinamong galos sina Masarap at Ocab samantalang nagtamo naman ng minor injuries ang mag-live-in partner na sina Babehis at Baldemoro.

Isinugod naman si alyas “Jorel” sa Rizal Provincial Hospital System sa bayan ng Morong ngunit idineklara itong dead on arrival batay sa tinamo nitong serious injuries. 

BASAHIN  Totoy patay sa dinaluhang B-day

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA