17 pamilya, naapektuhan ng sunog sa Binangonan, Rizal

Share

Tinupok ng apoy ang aabot sa 10 kabahayan sa Barangay Darangan, Binangonan, Rizal, noong Sabado.

Aabot sa 17 pamilya ang naapektuhan ng sunog na kasalukuyang nasa Saint Francis of Assisi Chapel na kalapit ng barangay, habang isang fire volunteer naman ang nasugatan sa insidente.

Batay sa pagtaya ng Bureau of Fire Protection-Binangonan, aabot sa ₱750,000 ang halaga ng ari-arian na naabo sa sunog.

Ayon kay SFO1 Julian Lenon Membreve, fire investigator, nagsimula ang sunog bandang alas-9:17 ng gabi at dakong alas-9:19 nang itaas ang first alarm, na umabot ng second alarm bandang alas-9:37 ng gabi.

Dakong alas-10:19 ng gabi nang ideklara itong fire out.

BASAHIN  Palabas sa KMJS na quarry ang dahilan ng pagbaha sa Angono, itinanggi ng alkalde

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Timor-Leste Pres., bibisita sa ‘Pinas; Teves, kasama sa agenda?

OPISYAL NA!Bibisita sa bansa si Timor-Leste President José Ramos-Horta sa Nobyembre 10, ayon saMalacañang kahapon. Hindi pa malinaw kung pag-uusapan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr....