33.4 C
Manila
Sunday, February 23, 2025

SK chairman sa Rizal, 2 pa patay sa salpukan ng 2 motorsiklo

IDINEKLARANG dead on arrival si Patrick Abuyan San Miguel, SK Chairman ng Barangay San Gabriel sa bayan ng Teresa matapos itong makabanggaan ang isa ring motorsiklo sa kahabaan ng National Road sa Sitio Libis, Brgy. CCL sa bayan ng Morong, alas-12 ng madaling araw, Pebrero 22.

Kinilala ni PCol Felipe Maraggun, provincial director ng Rizal Police Provincial Office, ang dalawa pang bikitima na sina Marquis Evan Macarulay at King Cyrus Capuz samantalang nakaligtas naman si Domingo Rigunay.

Ayon sa ulat, angkas ni San Miguel si Macarulay gamit ang Yamaha Aerox nito na bumabagtas sa nasabing highway mula Morong patungong Baras habang angkas naman ni Rigunay si Capuz sakay ng Honda click at patungo naman sa kabilang direksyon.

BASAHIN  Nauubos na ang ating skilled workers – Zubiri

Sinabi ng mga nakasaksi na tinangka umanong mag-overtake ni Rigunay sa mga sasakyan kung kaya naka-head on collision nito sina San Miguel at Macarulay.

Sinabi pa ni Maraggun na isinugod si San Miguel sa Rizal Provincial Hospital System sa Morong ngunit patay na nang dumating gayundin ang kasamahan nitong si Macarulay na isinugod naman sa Maragrito A. Duavit Memorial Hospital sa Binangonan.

Patay din si Capuz nang dumating ito sa Rizal Provincial Hospital System habang buhay naman at nagpapagaling na si Rigunay sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina City.

Durog naman ang mga motorsiklo na ayon sa mga nakasaksi ay hindi mo aasahan na may mabubuhay pa dahil sa tindi ng pagkasira ng mga ito.

BASAHIN  Pera sa basura, ibinida sa bagong teknolohiya mula Slovakia

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA