2022: Marcos-Duterte, 2028: Duterte-Marcos

Share

SA KABILA diumano nang humihinang pwersa ng mga Duterte, pinalutang kahapon ni dating
Presidential Spokesperson Harry Roque ang posibilidad na Sara Duterte–Imee Marcos tandem
sa 2028 elections, sa isang interview sa TV5.


Matatandaang tinanggal kamakailan sa Kamara ang mga kaalyado ng mga Duterte, sina dating
Pangulo at deputy speaker Gloria Macapagal-Arroyo (2 nd District Pampanga) at si dating deputy
speaker Isidro Ungab (3 rd District, Davao City). Dating senior deputy speaker si Arroyo bago
siya ibinaba sa pagiging deputy speaker.


Ang pagtanggal ay bunsod ng Resolution No. 1444 na nagpapahayag ng suporta sa liderato ni
Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Hindi ito nilagdaan nina Arroyo at Ungab. Paliwanag ni
Arroyo, nasa ibang bansa siya nang ipinasa ang naturang resolusyon kaya hindi siya
nakapirma. Sinabi ni Arroyo na patuloy siyang sumusuporta sa liderato ni Romualdez, kahit
noon pang mapili ito bilang speaker.


Matatandaang sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang Kamara diumano ang
pinakabulok na institusyon sa gobyerno. Dahil dito, maraming kongresista ang kumalas sa
partidong PDP-Laban.


Ayon sa political analyst na si Ronald Llamas, “Hindi nga natin kinakailangang mag-read
between the lines eh, dahil itong mga pangyayaring ito, hindi naman ito nangyari kahapon.
Nangyari ito last year pa eh, di ba, nung hindi naging Speaker si former President Arroyo, nung
tinawag diumano ni Vice-President Duterte si Romualdez na “tambaloslos”. Ayon sa
www.tagalogwords.com, “Ang tambaloslos ay isang halimaw na may malaking bibig at lawlaw
na ari.”

BASAHIN  Libreng college entrance exam para sa poor - Jinggoy


Sinabi pa ni Llamas na diumano, ang pagtanggal ng confidential funds ng Office of the Vice
President na ginawa ng both Houses “with finality” ay may basbas daw ni Pangulong Ferdinand
Marcos, Jr.


Nilinaw kamakailan ni Imee Marcos sa isang vlog na hindi niya iiwan ang mga Duterte, kahit na
raw siya na lang ang matitirang supporter ng mga ito. Wala namang reaksyon ang kanyang
pinsan na si Speaker Romualdez.


Sinabi ni VP Sara na malayo pa ang 2028 Presidential elections, kaya hindi muna dapat mag-
speculate.


Kung sakaling matuloy ang tambalang Sara-Imee sa 2028, sino kaya ang magiging manok ni
Pangulong Bongbong, ang kanyang kapatid o ang kanyang pinsan?

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Magnitude 5.9 na lindol, yumanig sa Lubang Island

Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang Lubang Island sa Occidental Mindoro nitong Martesng hapon. Naramdaman din ang mas mahinang pagyanig sa maraming bahagi ng...