33.4 C
Manila
Thursday, February 20, 2025

Panay-Guimaras-Negros bridge isusulong ni Abalos sa senado

ISUSULONG ni senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang matagal nang pinapangarap ng mga Ilonggo, ang matapos na ang proyektong tulay na magdudugtong sa mga isla ng Guimaras, Negros at Panay sa Western Visayas.

Sa kanyang pagbisita sa Iloilo City para sa ikalawang yugto ng kampanya ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, binigyang-diin ni Abalos ang kahalagahan ng nasabing proyekto upang mapalakas hindi lamang ang turismo kundi pati na rin ang iba pang aktibidad pang-ekonomiya sa Rehiyon 6.

“Isa pa sa nakikita kong napakahalagang proyekto dito sa Western Visayas ay ang island interconnectivity. Napaka-importante po nyan dahil it will spell growth and development hindi lang sa Iloilo kung hindi sa mga kapitbahay ninyo dito sa rehiyon,” sabi ni Abalos.

Panay-Guimaras-Negros bridge isusulong ni Abalos sa senado

Matagal nang iminungkahi ang Panay-Guimaras-Negros Bridge Project upang mapalakas ang turismo at ekonomiya sa Western Visayas.

BASAHIN  Meralco tiniyak na hindi sasablay ang kauna-unahang subway ng bansa

Kapag natapos, mababawasan ang oras ng biyahe sa pagitan ng Panay, Guimaras, at Negros mula 4 na oras patungo sa mas mababa sa isang oras lamang.

Dalawang pag-aaral na ang isinagawa upang maisakatuparan ang proyekto—ang una ay isinagawa ng Japan International Cooperation Agency (JICA) noong 1999 at ang ikalawa ay isinagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong 2010.

Dahil sa matagumpay na mga mega projects sa Iloilo City at iba pang bahagi ng Western Visayas, nangako si Abalos ng buong suporta upang tuluyang maisakatuparan ang proyekto, lalo na sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos.

“Napakaganda ng proyektong ito dahil it will shorten the travel time and facilitate the movement of people, of tourists and goods within the region,” ani ni Abalos.

Nauna nang ipinahayag ni Abalos ang kanyang suporta sa pagpapalawak at pagpapabuti ng Iloilo International Airport.

BASAHIN  6 patay sa pamamaril sa Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova sa Germany

Makikinabang sa nasabing proyekto pangunahin na ang mga lalawigan ng Iloilo, Capiz, Aklan at Antique sa Panay Island, lalawigan ng Guimaras Island at dalawang lalaawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental na bumubuo sa Negros Island Region (NIR).

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA