33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Inutil na mga opisyal ng MWSS kalusin

ITO ang mapuwersang pahayag ng isang grupo na nagsusulong ng ‘tubig para sa lahat’ kaugnay sa mga kuwestiyunableng nangyayari ngayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Hinimok ni Rodolfo “Ka RJ” Javellana Jr., national president ng United Filipino Consumers and Commuters and Water for All Movement (UFCC-WARMM) si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na linisin na ang hanay ng nasabing ahensya dahil sa mga kapalpakan nito.

Isa na rito, ayon kay Javellana, ay ang 309 milyong “standby cost” at ang 1.8 bilyong nakabinbing halaga kaugnay sa 21 bilyong Kaliwa Dam Project.

Ang “standby cost” ay maihahalintulad sa “pork barrel” ng kongreso na pinagmulan ng malawakang korapsyon sa hanay ng mga mambabatas, ayon pa kay Javellana.

Inaasahan na makapaglalaan ng karagdagang 600 milyong litro ng tubig bawat araw sa taong 2027 para sa Metro Manila at nakapaligid na lugar kapag natapos ang proyektong ito.

BASAHIN  Malinis na tubig, mahalaga lalo na kung may El Niño – Poe

Sinabi pa ni Javellana na kailangan nang gumawa ng kongkretong aksyon ang pamahalaan upang magkaroon ng solusyon ang kakulangan sa tubig.

“Sumulat kami kay Pangulong Marcos, na may kalakip na mga ebidensiya, kaugnay sa 12 bilyong Kaliwa Dam Project,” ang pahayag ni Javellana sa “The Agenda” media forum sa Club Filipino sa San Juan City kahapon.

Noong 1972, sa panahon ng panunungkulan ng Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ang noo’y NAWASA ay naging MWSS hanggang sa pinalitan ito ng LWUA at muling ibinalik sa MWSS.

“Noon pa man, nakikinikinita na ni Pangulong Marcos Sr. ang napipintong kakulangan sa tubig ngunit kasabay ng kaniyang pagbagsak sa kapangyarihan ay ibinasura rin ang Laiban Dam Project,” dagdag pa ni Javellana.

“Nakatuon lamang sa 25-taong kasunduan ang pamahalaan at mga mamumuhunan kung kaya napilitan kaming magsampa ng kaso sa korte, lakip na ang 20% environmental charges,” giit pa ng grupo.

BASAHIN  ₱56-M, sinolo ng lotto jackpot winner

Dahil sa mga ganitong uri ng pamumuhunan kung kaya isinumpa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga oligarko, ayon pa kay Javellana.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA