33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Ebanghelyo ni Mateo available na sa Filipino Sign Language

TUNAY nga na magandang balita ito para sa mga pipi’t bingi sa Pilipinas dahil ang Mateo, isa sa apat na aklat ng Ebanghelyo, ay available na sa Filipino Sign Language (FSL).

Ito’y matapos ilabas ng mga Saksi ni Jehova ang aklat ng Mateo sa isang espesyal na okasyon na dinaluhan ng 413 katao kasama na ang 3,998 sa online.

Inanunsyo rin sa nasabing okasyon ang kanilang plano na kumpletuhin ang 4 na Ebanghelyo ni Jesus hanggang sa matapos ang Kristiyanong Griegong Kasulatan o karaniwang tinatawag na “Bagong Tipan.”

Bago inilabas ang kumpletong aklat ni Mateo, isinasalin na ng mga Saksi ni Jehova sa Pilipinas ang ilang mga talata o bersikulo sa FSL  sa loob ng higit sa isang dekada.

Maliban dito, marami na ring publikasyon at mga video ang naisalin na sa FSL na nakatulong sa komunidad ng mga pipi’t bingi na matuto sa Bibliya.

“Ibinabahagi namin ang mensahe ng Bibliya sa lahat ng tao mula sa iba’t ibang kalagayan at wika kasama na ang mga gumagamit ng wikang pasenyas,” ang pahayag ni James Morales, tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa Pilipinas.

BASAHIN  502 traffic enforcers na MMDA deputized officers, maniniket na sa Pasig City simula ngayong araw

Idinagdag pa niya: “Isa pa, lumilikha ng mga oportunidad, malayang komunikasyon at palitan ng ideya ang pagkakaroon ng publikasyon sa mga wikang ito.”

Paliwanag ni Morales kung bakit ang Mateo ang unang aklat ng Biblya na isinalin tungo sa FSL, sinabi pa ni Morales: “Ito kasi ang una sa apat na ebanghelyo sa Bibliya. Kaya bilang mga Kristiyano, interesado kami tungkol kay Jesus at sa kaniyang Makalangit na Ama.”

“Bilang karagdagan, itinatanghal nito ang buhay ni Jesus, kung paano siya sumamba at nanalangin sa Diyos, at ano ang mga pinagdaanan niya upang maligtas ang sangkatauhan,” ayon pa kay Morales.

May kahusayang isinalin sa aklat ni Mateo sa FSL ang bantog na “Sermon sa Bundok” ni Jesu-Kristo at ayon sa mga Saksi, isusunod na ang iba pang mga aklat sa Bibliya, kasama na ang natitirang aklat ng Ebanghelyo.

BASAHIN  Romualdez, nagpahatid ng pakikiramay sa S. Korean envoy

Ang aklat ni Mateo, ganun din ang iba pang salig-Bibliyang publikasyon at mga video sa FSL ay maaaring i-download nang walang bayad sa website na JW.ORG

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA