33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Sakit ngayong tag-init, paano iwasan?

HUWAG hayaang masira ang bakasyon ng kung anu-anong sakit kaya ngayong nalalapit na ang Summer Season kaya dapat healthy  at ready na sa mga outing.

Tuwing panahon ng tag-init ay lumalabas ang mga banta ng sakit kapag tag-araw kaya dapat na maging alerto at malaman ang mga sakit ang uso ngayong tag-init.

Nangunguna ang Bungang Araw. Ito ay kondisyon ng pagkakaroon ng mga butlig-butlig sa balat at pakiramdam na maaaring mahapdi o makati.

 Ito ay dahil sa mga nagbarang labasan ng pawis dulot ng dumi at mga bacteria. Pinaka-uso ang kondisyong ito sa mainit o maalinsangang panahon. Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang artikulo tungkol sa bungang araw.

Mag-ingat sa Sunburn o pagkasunog ng balat dahil sa tindi ng init ng araw ay usong-uso rin sa panahon ng tag-araw. Ito ay mas lalong madalas sa mga indibidwal na nagbabakasyon sa mga beach at sa mga nagtatrabaho sa ilalim ng sikat ng araw na walang proteksyon gaya ng sunblock.

Huwag itong babalewalain sapagkat maaari itong humantong sa mas malalang kondisyon na skin cancer.

BASAHIN  Pananakot, pagbawi ng prangkisa ng LTFRB, tigilan na – Imee

Dahil sa matinding init, maging maingat sa Heatstroke. Isa sa mga pinaka-nakababahalang kondisyong maaaring maranasan dahil sa sobrang init na panahon ay ang heatstroke. 

Ang sobrang pagtaas ng temperatura ng katawan ay makaaapekto ng husto sa maaayos na paggana ng mga sistema sa katawan lalo na sa utak. Maaari itong magdulot ng pagpalya ng ilang organ sa katawan, pagkawala ng malay-tao, at ang pinaka malala, ay kamatayan.

Dehydration o kulang sa tubig ang katawan. Higit na bumibilis ang pagkawala ng tubig sa katawan sa panahon ng tag-init. Dahil dito, mas tumataas rin ang kaso ng dehydration lalo na sa mga nagpapabaya. Ang dehydration ay isa ring seryosong kondisyon na kung mapapabayaan ay maaaring makamatay.

Pagkahilo sa biyahe dahil marami ang nagbabakasyon sa malalayong lugar sa panahon ng tag-init o summer, hindi rin maiiwasang may mga nakararamdam ng pagkahilo sa byahe o motion sickness. Ito ang pagkakaranas ng matinding pagkahilo, pagsusuka, pagliliyo, at pananakit ng ulo.

Para sa mga baong foods, tumataas ang posibilidad ng pagkakalason sa mga pagkain o food poisoning. Dulot pa rin ng mainit na panahon, mas mabilis dumami ang bacteria sa mga pagkaing napapabayaan. Kung ito ay mapapabayaan at mahahayaang makain, maaari itong makalason at magdulot ng pananakit ng tiyan, pagsusuka o pagtatae. 

BASAHIN  Bulok ang budget system ng bansa – Koko

Maging maingat sa fungi sa balat dahil ang mga sakit sa balat tulad ng an-an, buni, at hadhad na dulot ng impeksyon ng fungi sa balat ay maaaring mauso rin sa panahon ng tag-init.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA