33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Mag-inang balikbayan galing Japan, bangkay na nang matagpuan

NAAGNAS na ang mga labi ng mag-inang balikbayan galing Japan nang matagpuan ng mga otoridad sa isang subdivision sa Tayabas City, Quezon, Huwebes ng hapon.

Dumating ng bansa nitong Pebrero 20 ang mag-inang sina Lorry Litada, 54 anyos, at anak nitong Japanese national na si Mai Motegi, 26 anyos.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Bonna Obmerga, hepe ng Tayabas police, dumating sa bansa ang mag-ina noong Pebrero 20 ngunit iniulat na nawawala nitong Marso 9 lamang.

Pero ayon sa mga kaanak, Pebrero 21 pa, o isang araw lamang ang nakalipas mula ng dumating ang mag-ina ay nawawala na ang mga ito.

Sinabi pa ni Obmerga na sa kanilang isinagawang ocular inspection kasama ang Tayabas police, kapansin-pansin aniya na may isang bahagi ng lupa na malambot pa at ng kanila itong hukayin, doon nila nakita ang naagnas nang labi ng mga biktima.

BASAHIN  Habal rider tiklo sa ₱1.7M droga sa Pasig

Ang nasabing pinaglibingan ay ilang metro lamang ang layo mula sa bahay na tinutuluyan ng mag-ina.

Idinagdag pa ng police chief na wala ang mag-asawang may-ari ng bahay na tinitirhan ng dalawa at ayon sa impormasyon na kanilang nakalap, nagpagamot ang mga ito at tanging ang anak na lalaki lamang ng mag-asawa ang naiwan na umuuwi lamang paminsan-minsan.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Tayabas Police Station sa nasabing krimen lalo pa’t napaulat na nawawala ang ₱5-M perang cash ng mag-ina na pambayad sa binili nilang lupa’t bahay sa San Narciso sa lalawigan din ng Quezon.

Maliban sa sanhi ng pagkamatay, tinitingnan din ng mga otoridad kung maituturing na suspek ang kapatid ng biktima at ang mister nito.

BASAHIN  Igalang ang mga ‘inosenteng’ sibilyan—VP Sara

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA