NABABOY?
Kasi, nag-viral ngayon online ang Miss Universe (Miss U) pageant, hindi dahil sa pwede nang sumali ang overweight na contestant, kundi, sa pagtanggap diumano ng mga gurang, transgender, diborsyada, at may-anak na. Dahil dito, labis na nababastos ang pageant at bumaba nang husto ang kredibilidad nito sa paningin ng global community – dahilan para umatras ang malalaking advertisers.
Ito ang obserbasyon ng netizens matapos nag-viral sa social media ang video ng transgender na si Anne Jakkapong Jakrajutatip, pangulo ng JKN Global Group (JKN), franchisee ng Miss U na pinag-uusapan ito.
Matatandaang naging sobrang kontrobersiyal ang 2023 Miss U dahil sa diumano’y pandaraya kay Miss Philippines Michelle Dee. Ipinalit sa kanya sa semi-finals si Miss Thailand, Anttonia Porsild. Nauna nang lumabas online ang pangalan at larawan ni Dee bilang semi-finalist, pero ilang sandali lang, pinalitan ito ng larawan ni Porsild.
Nitong 2023, si Miss Netherlands Rikkie Valerie Kollé at Miss Portugal, Marina Machete Reis — ang dalawang transgenders na tinanggap sa kompetisyon, samantalang si Miss Guatemala, Michelle Cohn ay may dalawang anak.
Wala pang opisyal na pahayag si Jakrajutatip tungkol sa nag-viral na video, pero sinabi niyang kakasuhan daw ang mga taong nagpapakalat ng maling impormasyon.