33.4 C
Manila
Thursday, November 7, 2024

Puwersa ng EPD kasado na sa EDSA anniversary

KASADO na ang buong puwersa ng Eastern Police District (EPD) para sa ika-38 anibersaryo ng EDSA People Power na gaganapin sa Pebrero 25.

Ayon kay EPD Director Police Brigadier General Wilson Asueta, handa na ang 1,000 pulis bilang dagdag-puwersa sa iba pang Police District ng Metro Manila na magpapanatili ng seguridad sa EDSA Shrine at People Power Monument.

”Magde-deploy kami ng mga 1,500 na pulis mula sa hangganan ng Pasig City, Mandaluyong City at Quezon City,” ang pahayag ni Asueta.

Inaasahan na may mga magsasagawa ng rally bukas mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, alinman sa kontra o pabor sa nasabing anibersaryo.

“Titiyakin namin na magiging mapayapa at nasa kaayusan ang mangyayari bukas at siyempre pa, po-protektahan namin ang mga raliyesta,” dagdag pa ng heneral.

BASAHIN  11 NCRPO personnel tumanggap ng parangal

Kasabay nito, nananawagan si Asueta sa mga makikilahok sa EDSA People Power celebration na panatilihin ang kapayapaan.

”Hangga’t maaari, nakikiusap kami sa mga raliyesta na payapa itong gawin at kailangan namin ng kanilang kooperasyon sa pagpapanatili ng kaayusan,” giit pa ng heneral.

Idinagdag pa ni Asueta na patiuna na nilang ipupuwesto ang kanilang civil disturbance management unit sa nabanggit na mga lugar kasabay ng pagmo-monitor nila ng intelligence upang maging ligtas ang nasabing anibersaryo.

Sinabi pa ng heneral na wala naman aniyang napaulat ang kaniyang tanggapan na banta sa seguridad.

”So far wala tayong natatanggap na report ngunit kapag mayroon, totoo man ito o hindi ay kailangan naming respondehan,” pagtatapos ni Asueta.

BASAHIN  Tserman sa Muntinlupa tinodas, riding-in-tandem pinatutugis ni Nartatez

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA