33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

May karapatan ang Pilipinas sa Sabah — Robin

ISINULONG ni Sen. Robinhood “Robin” Padilla —sa pamamagitan ng pagdagdag ng isang probisyon sa panukalang Philippine Maritime Zones Act (PMZA) —ang karapatan ng Pilipinas sa Sabah.

Tinanggap ni Sen. Francis Tolentino, ng may-akda at sponsor ng PMZA ang mungkahi ni Padilla na idagdag ang isang linyang nagsasabi na hindi binabalewala ng Pilipinas ang karapatan nito sa Sabah.

“Ang hinihingi natin, magkaroon ng pantay na atensyon. Sapagka’t sovereignty itong claim natin sa Sabah, sovereignty. Hindi ko sinasabing awayin natin ang Malaysia… Dapat sa ating local laws, sa ating pansariling batas, dapat matibay ang ating panindigan na sa atin ang Sabah,” ani Padilla.

BASAHIN  Romualdez: Inspeksyon sa mga bodega ng bigas, patuloy

Tinanggap ni Tolentino na idagdag ang linyang: “All other laws, presidential decrees, executive orders, rules and regulations, proclamations, and other issuances, inconsistent with or contrary to provisions of this Act are deemed amended or repealed accordingly; provided that nothing in this Act shall be construed as repealing Sec. 2 of RA 5446 as amended, and Sec. 2 of RA 9522.”

Nakapaloob sa RA 5446, na pinirmahan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong 1968, na kasama sa teritoryo ng Pilipinas ang Sabah.

BASAHIN  Kapasidad ng HEIs, pinalawak ng 7 bagong batas

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA