Kalaboso ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Buboy” at “Bryan”, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Baragay 28.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang operasyon kasunod ng natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano nila ng droga sa lungsod.
Nakuha mula sa mga suspek ang humigi’t kumulang 17.40 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na ₱118,000 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Related Posts:
Paputok, open muffler na motor, bawal na sa Munti
3 wanted na karnaper, huli sa Rizal
Manila Post Office, natupok
Pamilya ni Jemboy Baltazar, dismayado sa hatol sa mga pulis na sangkot sa "mistaken identity" case
License plate ng mga tricycle sa Marikina ipinamahagi ng LTO
Paglabag sa ‘premature campaigning’ talamak sa anim na lungsod sa NCR
P200-K shabu pustahan sa cara y cruz sa Taytay
Lalaki na wanted sa pagpatay, arestado sa Caloocan
About Author
Show
comments