Mahigit ₱350-K halaga ng shabu, nasabat sa Caloocan

AABOT sa mahigit ₱356,000 halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad mula sa isang pintor at kanyang kasabwat na crew sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina alyas “Tanuno”, 37-anyos, pintor, residente ng BMBA 2nd Avenue, Brgy. 120 at alyas “Jomar”, 25-anyos, service crew, mula sa Marulas, Brgy. 36.

Nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Alley gilid ng isang gasolinahan sa Brgy., 120 bandang 12:00 ng hatinggabi, kung saan Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay Tanuno ng ₱70,000 halaga ng shabu.

Nang tanggapin ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang knot tie plastic ng shabu ay agad itong dinakip ng mga otoridad, kasama si Jomar.

Nakuha mula sa dalawa ang humigi’t kumulang 52.36 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na ₱356,048 at buy bust money na isang tunay na ₱1,000 bill, kasama ang 69 pirasong ₱1,000 boodle money.

Kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek.

Aabot sa mahigit ₱356,000 halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad mula sa isang pintor at kanyang kasabwat na crew sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina alyas “Tanuno”, 37-anyos, pintor, residente ng BMBA 2nd Avenue, Brgy. 120 at alyas “Jomar”, 25-anyos, service crew, mula sa Marulas, Brgy. 36.

Nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Alley gilid ng isang gasolinahan sa Brgy., 120 bandang 12:00 ng hatinggabi, kung saan Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay Tanuno ng ₱70,000 halaga ng shabu.

Nang tanggapin ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang knot tie plastic ng shabu ay agad itong dinakip ng mga otoridad, kasama si Jomar.

Nakuha mula sa dalawa ang humigi’t kumulang 52.36 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na ₱356,048 at buy bust money na isang tunay na ₱1,000 bill, kasama ang 69 pirasong ₱1,000 boodle money.

Kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...