Mahigit ₱10-M jackpot sa Lotto 6/42, tinamaan

Isang swerteng mananaya ang nakakuha sa jackpot prize na ₱10,990,641.60 sa draw ng Lotto 6/42 na binola sa Mandaluyong City kagabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office’s (PCSO), nabili ang ticket sa Reas, Ryan D. Lotto Outlet sa Abuyog, Leyte.

Tinamaan ng solo bettor ang winning combination na 22-17-01-29-11-16.

Aabot naman sa 72 players ang nanalo ng ₱24,000 bilang sa second prize, habang wagi naman ang 2,364 mananaya ng ₱800 at nasa 30,135 players ang nanalo ng ₱20 o palit taya.

Wala namang nakahula sa draw ng Ultra Lotto 6/58 na may premyong ₱144,244,941.60 at Super Lotto 6/49 na may ₱15,840,000 na jackpot prize.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...