Kalaboso ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Buboy” at “Bryan”, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Baragay 28.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang operasyon kasunod ng natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano nila ng droga sa lungsod.
Nakuha mula sa mga suspek ang humigi’t kumulang 17.40 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na ₱118,000 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Related Posts:
Renobasyon ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig, tapos na
Deployment ng 15K school principal OK na bago matapos ang 2025
Dalawang tulak umano ng iligal na droga, arestado sa Navotas
Rider na walang helmet, nahulihan ng bala sa Caloocan City
One ID system para sa mabilis na serbisyo sa mga Pasigueño, inilatag ni Discaya
₱170-K halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust operation sa QC
May tensyon pa rin sa transfer ng 14 na paaralan sa Taguig?
1 patay, 6 sugatan, matapos araruhin ng SUV ang BDO
About Author
Show
comments