Duterte, kinondena ang suspensyon ng kanyang TV program

0

Kinondena ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang partidong PDP-Laban ang 14 na araw na suspensyon na iginawad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa kanyang TV show sa SMNI.

Nitong Martes, sinuspindi ng MTRCB ang pag-ere ng dalawang SMNI programs, kabilang ang Gikan Sa Masa, Para Sa Masa at Laban Kasama ang Bayan, matapos itong makatanggap ng maraming reklamo laban sa hosts nito.

Ayon kay PDP-Laban Secretary-General Atty. Aimee Torrefranca-Neri nitong Miyerkules, ang suspensyon ay isang direktang pag-atake sa kalayaan sa pamamahayag.

“This is a clear affront to the freedom of expression… The MTRCB has sent a chilling message to the Philippine media, most especially broadcast, in this act of curtailing our freedoms, which presents a clear danger to our democracy,” ayon kay Atty. Aimee.

Dapat daw munang hinintay ng MTRCB ang resulta ng imbestigasyon ng Office of the Prosecutor bago ito nagsuspindi.

About Author

Show comments

Exit mobile version