Lalaki na wanted sa pagpatay, arestado sa Caloocan

Arestado ang isang lalaki na wanted sa kasong pagpatay  matapos ang isinagawang manhunt operation, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City .

Kinilala ni Caloocan police chiief P/Col. Ruben Lacuesta ang akusado sa alyas “Boyd”, 41-anyos, residente ng Brgy. 176 at nakatala bilang No. 1 top most wanted person ng Northern Police District (NPD).

Sa  ulat kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga tauhan ng IDMS – Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera ng manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek bandang 4:45 kamakalawa ng hapon.

Ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 129, noong September 29, 2023 para sa kasong Murder.

Ang akusado ay kasalukuyang nakakulong sa Caloocan City habang inihahanda ang dokumento ng kaso. 

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...