33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Bulok ang budget system ng bansa – Koko

BULOK ang sistema ng pagba-badyet ng ating gobyerno.


Ito ang pahayag ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, kamakalawa.


Nanlulumo si Pimentel sa kawalan ng transparency sa pag-apruba ng badyet, sa harap ng napabalitang bilyong halaga ng “insertions” o pagsisingit sa 2024 national budget.


Idiniin pa niya na bulok na bulok ang ating budget approval system. Walang-wala itong anomang transparency.


Matatandaang inilantad kamakailan ni Sen. Imee Marcos ang isang scheme o pamamaraan tungkol sa badyet para sa ”Ayuda sa Kapos ang Kita Program” (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development.

Sinabi ni Sen. Imee na ginagamit ang AKAP para maengganyo ang mga Pilipino na lumagda sa people’s initiative signature campaign para amyendahan ang 1987 Constitution.

BASAHIN  Produksyon ng bangus, tilapia, nanganganib sa El Niño?


Lingid sa kaalaman ng mga senador, ang pondo raw na ₱26.7 billion para sa AKAP ay isiningit sa 2024 national budget.


Panahon na raw para magkaroon ng “overhaul” ang proseso ng pagbuo ng badyet ng gobyerno.


Nang tanungin ng reporters kung aling bahagi ng budget system ang dapat baguhin, sinabi ni Pimentel na dapat, ang buong proseso ay dapat baguhin.

BASAHIN  EcoProv lamang ang dapat baguhin—Gatchalian

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA