DINALA na sa Bahay-Kalinga ang tatlong bata na nailigtas sa kamay ng kanyang malulupit na kamag-anak matapos sugurin ng mga tauhan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang kinalalagyan ng mga biktima sa Angono, Rizal.
Nag-ugat ang pagsagip sa mga bata nang makatanggap ng impormasyon si Angono Mayor Jeri Mae Calderon, na mayroong umanong ikinulong na tatlong bata na labis na pinagmamalupitan ng kamag-anak na nakatira sa Barangay Kalayaan.
Agad na pinasilip ng alkalde ang lugar at nakumpirma na may tatlong batang ikinulong at pinahihirapan ng mga kaanak.
Nagtungo ang mga tauhan ng MSWDO sa bahay at positibong na saksihan ang pagmamalupit sa tatlong batang nasa edad anim pababa lamang at agad na isinalba alinsunod sa Republic Act 7160 na mas kilala sa tawag na Anti-Child Abuse Law.
Sa pagsusuri ng medico legal, lumalabas na nagtamo ng multiple hematoma ang mga biktima.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso ng municipal social workers laban sa mga kaanak ng mga biktima