33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Dagdag-sahod: Economic sabotage!

PARA sa malalaking negosyante, kung pwede lang, gusto nilang manatiling pareho ang sweldo ng karaniwang manggagawa sa loob ng 40 taon, dahil anomang pagtataas: economic sabotage.


Ito ang opisyal na pahayag ni Sen. Chiz Escudero, tungkol sa plano ng Senado na itaas ang sahod ng mga manggagawa sa ₱100 kada araw.


Ani Escudero, “are ivory tower individuals who love to preach about the economics of a running business when they themselves have not even managed a sari-sari store.”


Tiyak daw na babagsak ang ekonomiya! Ito ang madalas na babala ng mga malalaking negosyante sa Kongreso o Wage Board tuwing may planong itaas ang sahod.


“Tuwina na lang pag may diskusyon sa wage increase, maglalabas na ang mga iyan ng kanilang crystal ball at tatakutin tayo na babagsak ang ekonomiya… hindi naman gumuho ang lupa and the sky is still up there and has not fallen,” pagdiriin ni Sen. Chiz.

BASAHIN  Medical Cannabis Bill maipapasa na sa Kamara


Nilinaw ni Escudero ang contrast sa pagitan ng tax breaks o tax exemptions na dahilan para makapagtipid ng bilyones ang mga negosyante, dahil kailangan daw ito ng ekonomiya, samantalang kapag pinag-uusapan ang ilang pisong dagdag-sahod, ito raw ay economic sabotage.


Sinipi niya ang 2021 report na nakatipid ng halos ₱139 bilyon ang mga negosyante dahil sa tax breaks, na tinawag nila itong pampasigla ng ekonomiya. Pero dapat daw ginamit ang bahagi nito para madagdagan ang sweldo ng kanilang manggagawa — na backbone ng kahit anong industriya – na karamiha’y hikahos sa buhay.


Aniya pa, sa malalaking negosyo na may taunang kita na ₱1.1 trillion, ang ₱170 na dagdag sa arawang sahod ay 14 percent lamang ng kanilang tubo. Sa 1.8 milyong kawani ng small enterprise, ito ay katumbas lamang ng 17 percent. Kaya dapat daw munang magpakita ng datos ang mga negosyante, hindi pagbabanta, anang senador.

BASAHIN  Unregistered, unconsolidated PUVs, ‘huli sa Feb. 1; Programang “enTSUPERneur” lumalarga na


Sa microenterprises, a yaong wala pang 10 ang kawani at may assets na hindi lalampas ng ₱3 milyon, pag-uusapan pa sa Senado ang karampatang dagdag- sahod, pagtatapos ni Escudero.


Umaasa ang lahat ng labor groups sa bansa na kaagad maisabatas ang ₱100 arawang dagdag-sahod.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA