33.4 C
Manila
Monday, January 20, 2025

389 MarikeƱos, nakinabang sa libreng TDC

MAY 389 residente ng Lungsod ng Marikina ang nakapagtapos ng libreng Theorerical
Driving Course (TDC) nitong Peb. 10 at 11 na ginawa sa lungsod.


Ang proyekto ay ginawa sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaaan ng Marikina at
ng Land Transportation Office (LTO). Itoā€™y bahagi ng outreach program ni Pangulong
Ferdinand Marcos Jr. sa ilalim ng Bagong Pilipinas.


Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II, ang programa ay ginawa sa LTO Marikina District Office para sa taga-Barangays Fortune, Nangka, San Roque at TaƱong.


Nagsagawa rin ang LTO ng pre-registration para sa nais mag-apply ng driverā€™s license.


Labis na nagpasalamat ang mga residente ng naturang barangays sa LTO at sa kanilang
punong lungsod na si Marcy Teodoro dahil sa libreng TDC. Isa ang lungsod ng Marikina sa may pinakamahusay sa pagpapatupad ng batas-trapiko sa buong bansa.

BASAHIN  Iskedyul ng renewal ng expired Driverā€™s licenses


Matatandaang inatasan ni Mendoza ang lahat ng LTO Regional Directors at District Office heads sa buong bansa na magsagawa ng libreng TDC programs para maturuan ang mga gustong kumuha ng driverā€™s license na maging disiplinado at magkaroon nang kasanayan sa ligtas na pagmamaneho.


Ang mga pribadong driving school ay naniningil ng ā‚±1,000 o higit pa para sa TDC.


ā€œSa pagtutulungan ng inyong LTO at LGUs, naniniwala ako na, we will be able to
produce more responsible and disciplined motorists at tuluyang maba[ba]wasan ang
mga kaso ng unnecessary road accidents at pati na rin ang mga kaso ng road rage sa
ating bansa,ā€ ayon kay Mendoza.

BASAHIN  4-Wheel Joyride, kakatay sa regular Taxi?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA