ISINUSULONG Senador Jinggoy Estrada ang pagpataw ng ₱5,000 – ₱30,000 na multa para sa mga mamamahayag, kumpanya ng media o sinumang mapatutunayan na nagkasala sa kasong libelo.
Ayon kay Estrada, mas makatarungan na pagbayarin na lamang ng multa ang sinumang mahahatulan ng korte na nagkasala sa kasong libelo kumpara sa pagpapakulong sa mga ito.
“Bagama’t karapatan ng bawat indibidwal ang ma-proteksyonan kontra sa iresponsableng pag-uulat o komentaryo… hindi isang makatarungang parusa ang kulong para rito. Ang mga pinsalang sibil ay maaaring sapat nang parusa at dahilan para pigilin ang komisyon ng libelo,” ani Estrada sa kanyang inihain na Senate Bill No. 2521.
Iminumungkahi ni Estrada na patawan na lamang ng multang ₱10,000 hanggang ₱30,000 ang sinumang mahahatulan na nagkasala ng libelo na ginawa sa pamamagitan ng pagsulat, paglilimbag, radyo, cinematographic exhibition, o anumang katulad na paraan.
Unang itinulak ni Estrada ang pag-decriminalize ng krimeng libel noong 2004 sa 13th
Congress. Inulit niya ito noong 14th 15th, at 16th Congress.
“Nakakalungkot na sa kabila ng malinaw na panawagan ng mass media organizations
at human rights groups na amyendahan ang mga umiiral na batas sa libelo, nananatili
pa rin ang mga ito,” aniya pa.