33.4 C
Manila
Sunday, July 13, 2025

Desludging caravan, inilarga ng Manila Water

Magsasagawa ng desludging caravan ngayong buwan ang Manila Water, kung saan magkakaloob ito ng serbisyo para linisin ang septic tank ng mga kostumer.

Bahagi ng environmental sustainability at regulatory compliance ng Manila Water ang naturang serbisyo sa kanilang mga kostumer ng walang karagdagang gastos.

Binigyang diin ni Manila Water Corporate Communications Affairs Group Director Jeric Sevilla, na malaking bagay ang regular na paglilinis ng septic tank sa mga kabahayan upang matagal nila itong magamit.

Maaaring magpalinis ng kanilang septic tank ang mga residential customer sa Barangay Botocan, Malaya, Socorro, at Vasra sa Quezon City; Sta. Cruz at Bambang sa Pasig City; Bagong Silang at Harapin ang Bukas sa Mandaluyong City; Rizal sa Makati City; at Cupang sa Antipolo City.

BASAHIN  Single-ticket system para sa lumalabag sa batas-trapiko - Zamora

Upang ma-avail ang naturang serbisyo, makipag-ugnayan lamang sa mga barangay council o tumawag sa Manila Water Consumer Help Desk 1672 para malaman ang schedule ng desludging caravan.

BASAHIN  Pagsipa ng pertussis sa bansa nakababahala na, ayon sa DOH

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA