Most wanted person ng Valenzuela huli sa Caloocan

Share

NALAMBAT ng mga tauhan ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela Police ang isang most wanted persons sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr.,  nakatanggap ng impormasyon ang SIS na naispatan sa Camarin, Caloocan City ang presensya ng akusadong si alyas “Roman” na kabilang sa mga most wanted person ng Valenzuela City.

Agad na bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez saka nagsagawa ng manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado bandang 7:00 kamakalawa ng gabi sa Barangay 175, Camarin, Caloocan City.

BASAHIN  P30-k Multa sa gagamit ng EDSA bus carousel

Inaresto si Roman sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Arthur B. Melicor ng Regional Trial Court Branch 284, Valenzuela City noong June 23, 2023, para sa kasong murder.

Pansamantalang nakalulong ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela Police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.

IBA PANG BALITA

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

Hotline sa pagitan ng PCG, Vietnam CG kasado na

NILAGDAAN nitong Martes, Enero 30, ang kasunduan para maglagay ng isang hotlinepara mapabilis ang komunikasyon sa pagitan ng Philippine Coast Guard (PCG) atVietnam Coast...