33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

‘Eat Bulaga,’ nasa RPTV na

ISANG araw matapos magsara ang CNN Philippines, pati na rin ang digital platforms nito, inilunsad ng TV5 at MediaQuest ang RPTV sa frequency nito noong Pebrero 1.

Ang RPTV ay maglalaman ng “sports, news, and entertainment designed to entertain the Filipino family,” ayon sa TV5 at Mediaquest.

Ang noontime show na “Eat Bulaga” nina Tito at Vic Sotto ay Joey de Leon, pati na ang Dabarkads ay mapapanood na rin sa RPTV, pati na ang pang-umagang programang “Gud Morning Kapatid” ni Gretchen Ho.

Kasali rin ang live telecast ng Philippine Basketball Association (PBA), Premier Volleyball League (PVL), at Gilas Pilipinas games. Bahagi rin ng programming ang morning show na “Ted Failon and DJ Chacha”.

BASAHIN  TAPE, talo na, bayad pa ng ₱3-M danyos; prangkisa ng ABS-CBN, ibabalik na?

“The birth of RPTV is aligned with our commitment to elevate the standards of entertainment, sports, and public service broadcasting in the Philippines,” saad ni TV5 president at CEO Guido Zaballero.

Matatandaang nagsara ang CNN Philippines nitong Enero 31, matapos kumpirmahin ang pagsasara ngayon lamang Pebrero. Nalugi raw ang kompanya ng mahigit P₱ bilyon, dahil sa walang pumapasok na TV commercials at sa sobrang mahal ng prangkisa ng CNN. Dahil sa pagsasara, nawalan ng trabaho ang 300 mga kawani.

BASAHIN  Luis Manzano, Jessy Mendiola, church wedding naman

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA