33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Mag-live in partner huli sa ₱1-M shabu sa Rizal

KULUNGAN ang bagsak ng mag-live in partner matapos mahuli sa isinagawang entrapment operation ng mga operatiba ng Rodriguez Municipal Drug Enforcement Team (MDET) at makuhanan ng aabot sa isang milyong pisong halaga ng ipinagbabawal na gamut, kamakalawa sa Rodriguez, Rizal.

Sa ulat na nakalap mula sa tanggapan ni PCol. Felipe Maraggun, Rizal Provincial Police Office (RPPO) Director, nakilala ang mga nasakote na sina Alyas Karyo, 43-anyos at Alyas Edelyn, 34-anyos, kapwa residente ng Rodriguez, Rizal at nahuli bandang 10:45 Martes ng gabi sa kahabaan ng Dike 2, Brgy., Balite.

Nagresulta ang pagkakahuli sa mga suspek matapos magbenta ng isang pakete ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer saka dinamba matapos ang naganap na transaksyon.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 10 na pakete at isang nakataling ice bag na may lamang shabu na may kabuuang bigat na humigit kumulang 150 gramo na nagkakahalaga ng ₱1,020,000.00, dalawang piraso ng ₱1000  bilang buy-bust money, tatlong piraso ng P1000 boodle money, walong piraso ng ₱100 confiscated money at pouch.

BASAHIN  Tulak arestado sa P340-K shabu sa Caloocan buy bust ops

Nabatid na dati nang nahuli ang mga suspek sa kasong iligal na droga at muli itong nahuli sa pangalawang pagkakataon sa parehong reklamo.

Dinala ang mga nakumpiskang ebidensya sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Rodriguez Custodial Facility na nahaharap sa reklamong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang matagumpay na operasyon laban sa iligal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek ay bunga ng masigasig na kampanya ng Rizal PNP laban sa lahat ng uri ng kriminalidad.

Binigyang diin ni PCol. Felipe Maraggun na ipagpapatuloy nito na lalabanan at hindi titigil sa pagsugpo sa mga illegal na droga.

BASAHIN  Lalaking kabilang sa most wanted persons ng Calabarzon, naaresto ng Rizal PNP

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA