33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Protest caravan ng grupong Manibela at PISTON, kasado na

Kasado na ngayong araw ang malawakang protest caravan ng grupong Manibela at PISTON.

Layon nito na muling ipanawagan sa pamahalaan ang pagpapatigil sa implementasyon ng Public Utility Vehicle Modernization Program.

Magsisimula ito sa University of the Philippines–Diliman, at magpapatuloy hanggang sa Mendiola, Maynila.

Ayon kay Manibela Chairman Mar Valbuena, aabot sa 10,000 hanggang 15,000 jeepney drivers at operators ang inaasahang lalahok sa naturang protesta, kabilang na rin ang ilang commuters at mga estudyante.

Samantala, nilinaw naman ni PISTON President Mody Floranda na hindi lahat ng mga tsuper sa isang ruta ay sasama sa protesta.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA