Andrea Brillantes, youngest sugar mommy?P1-M, ginastos sa ex-bf

Share

IBINUNYAG ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na gumastos daw siya ng kabuuang isang milyong piso sa kanyang ex-boyfriend na si Ricci Rivero.


Sa isang interview ni Vice Ganda kamakailan, sinabi ni Andrea na halos lahat ng mga gamit ni Ricci sa kanyang condo ay regalo niya, dahil mahal daw niya ito.


Nang tanungin kung magkano ang kabuuang halagang iniregalo niya kay Ricci, sinabi ni Andrea na umabot daw ng milyon, “bakla akong magmahal”, dugtong pa niya.


Hindi raw pinagsisisihan ng aktres ang malaking ginastos niya sa basketbolistang boyfriend, kasi
nagmahal daw siya. Pinagsisisihan lang daw niya ay ‘yung mga masasakit na salita na sinabi niya
sa boyfriend, dahil hindi naman daw siya perfect.

BASAHIN  Andrea B, basted na kay Jakob Fortunak?


Hindi raw binalak na bawiin ni Andrea ang lahat ng mga iniregalo niya kay Ricci kahit break na sila, at kung gagawin daw niya iyon, wala raw matitirang gamit sa condo nito.


Ayon sa ilang netizens, si Andrea raw ang pinakabatang sugar mommy, at ang relasyon daw kung
sa pera-pera lang, tiyak na hiwalayan ang kasunod.


Nalungkot daw si Andrea sa break-up pero aniya pa, “Iiyakan ko ba ‘yung lalaking hindi nagpapa-
laundry sa loob ng isang taon!?”

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Earthquake drill sa Marikina nilahukan ng 150,000 residente, estudyante

UMABOT sa 100,000 mga estudyante at 50,000 katao mula sa iba’t ibang komunidad at priabadong sektor ang lumahok sa isinagawang earthquake drill na isinagawa...