33.4 C
Manila
Wednesday, July 3, 2024

Two, one, three: Ang mga anak ni Leo Martinez

TUWING tatanungin si Leo Martinez kung ilan ang anak niya, ang sagot daw niya, “two,
one, three”.


Dalawang anak sa una, isa kay Cherie Gil, at tatlo kay Gina Valenciano.


Nagpaunlak kamakailan si Martinez sa isang interview na lumabas sa Pep.ph tungkol sa
anim niyang mga anak sa iba’t ibang babae.


Kabilang dito Leo si Jeremiah David Gil Eigenmann o si Jay, na anak nila nang yumaong
si Cherie na nasawi sa edad na 61 noong 2022 dahil sa endometrial cancer.


Si Jay ay nagtatrabaho sa U.S. bilang isang sound engineer; magiging 37 years old na siya
sa darating na Enero 19.

BASAHIN  ‘Sugar daddy’ raw ni Dominique, sangkot sa hiwalayan issue?


Panganay na anak naman nina Leo at Gina Valenciano — kapatid ni Gary Valenciano —
si Lesley Valenciano Martinez. Tatlo ang naging mga anak nila sa loob ng 36 taong kasal
sila.


Sinabi ni Leo na malapit na magkaibigan ang kanyang misis na si Gina kay Cherie Gil
noong ito’y nabubuhay pa.


Kahit iba-iba ang kanilang ina, close naman daw ang anim na mga anak ni Leo pati na
ang mga apo.

BASAHIN  Oyo, Kristine, inaasahan ang ika-6 na anak

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA