Dahil sa lumalabas na bali-balita na hindi compliant sa Euro 4 ang ilang modern
jeepneys na pumapasada, sisilipin ng Kongreso kung ito nga ay totoo.
Sinabi ni SAGIP partylist Rep. Rodante Marcoleta na pinagsu-submit niya ang Land
Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng kumpletong listahan ng
lahat ng modern jeepneys na naipasok sa ilalim ng PUV modernization program.
Dapat daw na suriin ang lahat ng mga tumatakbong modern jeepneys sa kalsada kung
ito ay pasok sa Euro 4 standard na itinakda ng “Clean Air Act”.
Nakatanggap daw ng mga report ang komite ni Marcoleta na pinayagang makapasok
sa programa at mairehistro ang ilang modern jeepneys kahit na hindi nito pasok sa
Euro 4 standard.
Sinabi ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz na dumaan sa masusing pagsusuri ng Department
of Trade and Industry ang bawat modelo ng jeepney na pasok sa programa para
matiyak na ito ay nakasunod sa Philippine National Standard para sa modern
jeepneys.