HINDI napigil nina dating Health Secretary at apat na co-defendants ang paglilitis sa
mga kasong graft at technical malversarion na kinasangkutan nila noon sa ilalim ng
administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Sa isang siyam-na-pahinang resolusyon na inilabas noong Enero 10, sinabi ng
Sandiganbayan Second Division na tinanggihan nila ang “motions to quash and motions
to dismiss” ng limang defendants.
Kasama ni Iloilo Rep. Garin — na ngayo’y House deputy majority leader — ang mga
kapwa akusadong sina dating Health USec. Gerardo Bayugo, USec. Kenneth Hartigan-
Go, OIC director Joyce Ducusin, at Julius Lecciones, dating executive director ng
Philippine Children’s Medical Center (PCMC).
Maliban kay Bayugo, ang tatlo pang kapwa-akusado ay kasama rin ni Garin sa kasong
technical malversation.
Inilahad ng mga prosekyutor na ang mga nabanggit na dating health officials ay ilegal na
naglipat ng P3.55 bilyong pondo mula sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund para
gamiting pambili ng Dengvaxia dengue vaccine.
Sa pagtanggi ng Sandiganbayan sa mosyon ng limang akusado, iginiit nito na mayroon
itong sapat na ebidensya at katibayan kahit umabot nang matagal ang imbestigasyon
dahil sa rami ang orihinal na bilang ng respondents (na umabot sa 42) na kailangang
sumagot sa lahat ng mga alegasyon.
“The Court rules that the investigations were not attended by vexatious, capricious, and
oppressive delays. Rather, the length of time spent in the investigation indicates that a
careful examination and review of the evidence and documents were thoroughly
undertaken before the cases were filed in court,” paglilinaw ng korte.