Ease of Paying Taxes Act, nilagdaan ni Pangulong Marcos

0

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Republic Act No. 11976 o ang Ease Of Paying Taxes Act, na layong palakasin pa ang ekonomiya, at tiyakin ang karapatan ng mga taxpayer.

Ang naturang batas ay bahagi ng priority legislation ng pamahalaan.

Sa ilalim nito, padadaliin ang proseso o sistema sa pagbabayad ng buwis.

Nakasaad sa batas ang klasipikasyon ng taxpayers bilang micro, small, medium, o large.

Gayundin ang electronic o manual filing ng returns at ang pagbabayad ng buwis sa Bureau of Internal Revenue, sa pamamagitan ng authorized bank, o authorized software provider, maging ang option na magbayad ng internal revenue taxes sa city o municipal treasurer.

Pinatitiyak din ng batas ang availability ng registration facilities para sa non-Philippine resident taxpayers.

About Author

Show comments

Exit mobile version