P1.4 bilyong vape, nasamsamsan – boc;namamatay dahil sa paghitit ng vape, tumataas

0

SINAMSAM NG ng mga ahente ng Bureau of Customs nitong Huwebes, ang e-cigarettes o
vapes na nagkakahalaga ng P1.438 bilyong sa isang warehouse sa Valenzuela City.


Nasamsam ang mga produkto na pawang ilegal na inangkat na umabot sa 1.4 milyong piraso ng
10 milliliter na disposable vape na may tatak na Flava.


Inihayag ni Customs Commissioner Bien Rubio na tinatayang umabot daw sa P1.428 bilyon ang
mga kontrabandong nasamsam batay sa prevailing market price ng P500 bawat piraso. Ang
P1.428 bilyon ay tinatayang may katumbas na P728 milyong excise tax sa mga produkto batay
sa P52 buwis kada one milliliter na vape.


Ayon kay Customs Intelligence and Investigation Service Director Verne Enciso, noong
Oktubre 24, sila ay nakatanggap ng impormasyon na may isang warehouse na ginagamit bilang
imbakan ng mga kontrabandong walang tamang buwis.


Matapos makumpirma ang tip, nag-atas ang BoC ng isang team para magsagawa ng
surveillance, at matapos ito, isinagawa nila ang raid sa warehouse 18 Bagong Filipino Industrial
Compound, M. Gregorio St., Barangay Canumay West, Valenzuela City.


Kasama sa mga sumalakay ang mga tauhan ng Enforcement and Security Service-Port of
Manila, BoC Legal Service, at mga elemento ng Northern Police District.


Ayon sa BoC, bibigyan ng panahon ang may-ari ng warehouse na ipakita ang mga kaukulang
dokumento kung nagbayad nga sila ng tamang buwis. Kung walang maipakitang dokumento,
mahaharap sa kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act ang may-ari ng
produkto at warehouse at sasamsamin ang mga kontrabando.

About Author

Show comments

Exit mobile version