Sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) OIC Usec. Hans Leo Cacdac, na
nakabalik na ng bansa kahapon — mula Saudi Arabia — ang 49 overseas Filipino Workers
(OFWs) na nahaharap sa iba’t ibang problema.
Sinabi pa ni Cacdac na kasama sa bilang na ito ang dalawang bata; lumapag sila sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon.
Nagbigay ng tulong-pinansiyal ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para
sa overnight hotel accommodation pati na pamasahe sa OFWs at pamilya nito patungo sa
kani-kanilang probinsya.
Samantala, nagbigay ang DMW nang tig-P50,000 sa bawat OFW bilang tulong-pinansiyal sa
ilalim ng welfare program ng ahensya. Kasabay ito ng ikalawang anibersaryo ng DMW
kahapon.
Inaasahang makatatanggap pa ng iba’t ibang assistance ang mga nabanggit na OFWs mula sa DSWD at iba pang ahensya ng gobyerno.