Bagong trabaho sa P4-B Japanese expansion

Share

GOOD news! Mga bagong trabaho sa Batangas, mabubuksan.


Ito ang inaasahan ng ating mga kababayan dahil sa pagbuhos nang 11.2 billion Japanese Yen
o P4.4 bilyon para sa expansion ng Murata Philippine Manufacturing Co. sa Tanauan City.


Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) noong Biyernes, ito ay matapos isa-pinal ang
plano ng Japanese electronic parts maker para sa pagpapalawak ng production capacity ng
kumpanya.


Ang bagong production building ay itatayo sa First Philippine Industrial Park sa Tanauan City,
Batangas.


Ayon kay DTI Sec. Alfredo Pascual, “With the demand expected to grow in the global market,
we would like to explore how we can encourage Japanese companies to expand and upgrade
their operations in the Philippines.”

BASAHIN  Malaysia, Thailand, nalampasan ng ‘Pinas sa investments


Idinagdag pa ni Pascual na ang expansion project ay naglalayung tumugon sa lumalaking
demand para sa multi-layer ceramic capacitors, na magagamit sa e-cars, internet, at 6G
communications technology.


Magmula noong 2011, ang kumpanya ay nakapag-empleyo na ng 3,500 kawani at nakapag-
export ng mahigit P68.6 bilyon.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Apela ng mga GOCC, GFI workers group kay PBBM: Benepisyo ibalik

ISINIGAW ng sabay-sabay ng mga presidente na kumakatawan sa mga empleyado ng iba’t ibang Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) at Government Financial Institutions (GFIs)...