33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

MMDA sa LGUs: Magtalaga ng fireworks display zones

Inulit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kahilingan nito sa local government units (LGUs) sa Metro Manila na magtalaga ng fireworks display zones sa kani-kanilang nasasakupan para sa Bagong Taon.

Ayon kay MMDA acting chair Don Artes ito ay magreresulta sa mas ligtas na kapaligiran sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

“Setting up a common fireworks display zone can prevent or lessen fireworks-related injuries. Open spaces or common areas can be designated as fireworks display zones,” saad pa niya.

Sa pagpupulong ng Metro Manila Council na ginanap kamakailan, sinabi Artes na pinag-usapan ng Metro Manila mayors ang MMDA Resolution No. 22-22, S. 2022 tungkol sa pag- ulit nang kahilignan sa LGUs na magtalaga ng fireworks display zones.

BASAHIN  ₱374-K shabu nasabat sa 2 tulak sa Pasig

Ipinaalala rin sa mga mayor ang Republic Act No. 7183 na siyang nagre-regulate ng pagbebenta, manufacture, distribution, at paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic devices na dapat na mahigpit na ipatupad.

“It is a tradition to use firecrackers and other pyrotechnic devices during the holiday season. There is undeniably a significant number of firecracker-related injuries, casualties, and accidental fires recorded every year in Metro Manila, related to the indiscriminate and unregulated use of firecrackers and other pyrotechnic devices,” pagdiriin ni Artes.

Pinaalalahanan din ni Artes ang publiko tungkol sa wastong pagtatapon ng basura, particular ang mga hindi nagamit na paputok para sa kaligtasan ng bawat isa.

BASAHIN  P500 multa sa riders na sisilong sa flyover kung umuulan

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA