Muling binuksan ng Philippine National Railways (PNR) ang ruta nito mula sa Naga City patungong Legazpi City, ngayong araw, Disyembre 27.
Tinatayang aabutin ang byahe ng tatlong oras at apat na minuto, magmula sa una hanggang sa huling istasyon ng tren.
Mula sa Naga patungong Legazpi, the unang train ay aalis ng 5:38 a.m., samantalang ang ikalawa at huling trip ay 5:30 p.m.
Samantala, mula sa Legazpi papuntang Naga, ang unang train ay aalis ng 5:45 a.m. at ang ikalawa at huling byahe ay 5:47 p.m.
Matantandaang sinuspindi ng PNR ang naturang byahe noong 2017 dahil sa kakulangan ng tren.
Ang bagong byahe ng PNR train ay kasabay nang pagbubukas ng mga bagong istasyon sa Travesia, Daraga, at Legazpi.
Titigil din ang byaheng Naga-Legazpi-Naga sa Pili, Iriga, Polangui, at Ligao.
Magkakaroon din ng walong flag stops kasama ang Baao, Lourdes, Bato, Matacon, Oas, Bagtang, Washington Drive, at Capantawan.
Inaasahang sa muling pagbabalik ng byahe ng PNR trains, mapasisigla ang ekonomiya sa mga daraanang ruta, pati na rin ang pagluluwas ng mga produkto.