3 pagkaing Pinoy, pasok sa  Top 100 breakfast sa buong mundo

0
295

Pasok sa top 100 breakfast ng Tasteatlas ang tatlong pagkaing Pinoy. 

Nasa ika-46 na pwesto sa naturang listahan ang tortang talong, na inilarawan bilang ‘savory’ at ‘extremely satisfying’ dish, na karaniwang inihahain bilang main course, na may kasamang kanin at ketchup.

Napabilang din  ang sinangag at itlog, o mas kilala sa tawag na ‘silog,’ na nasa ika-52 pwesto.

Pang-walumput walo naman sa listahan ang bibingka, na tinawag ng tasteatlas na ‘simple Filipino cake,’ na gawa sa rice flour at tubig.

BASAHIN  Sundalong Pinoy na nagtapos sa Beijing Military Academy, pwedeng mag-traydor?

About Author