33.4 C
Manila
Wednesday, July 3, 2024

51-K Pasahero sa NAIA, iba pang airports sa bansa

Umabot sa halos 60,000 ang dumating na pasahero mula sa iba’t ibang international airports ng bansa bago dumating ang araw ng Pasko.

Sa unang araw pa lamang ng Disyembre, may kabuuang 51,390 ang dumating sa NAIA at iba pang international airports ng bansa, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Tumaas ang bilang sa 59,541 nitong Disyembre 22 at 59,993 nitong Disyembre 23.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na 85 porsyento ng mga pasahero ay dumating mula sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport.

Samantala, umabot lamang sa 31,408 ang mga naitalang pasahero na umalis noong Disyembre 23, mas mataas kaysa 25,759 pasahero na naitala noong unang araw ng buwan.

BASAHIN  Partner ni Pokwang, na-deport

Hiniling ni Tansingco sa mga paparating na Pilipino na gamiting ang e-gates para sa mas mabilis na immigration clearance.

Pinaalalahanan din niya ang iba pang paparating na mag-register sa e-travel portal na nasa etravel.gov.ph 72 oras bago umalis sa bansang panggagalingan.

BASAHIN  BI, nakapagtala ng 30,000- 31,000 daily passenger departures matapos ang New Year celebration

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA