Sa harap nang mataas na bilihin, sobrang trapik sa araw-araw, at iba pang problema ng Pilipino, nanatiling positibo ang 92 percent sa ating mga kababayan, ayon sa surbey ng Pulse Asia kamakailan.
Naniniwala ang karamihan sa mga Pilipino na mayroong pag-asa sa susunod na taon, at haharapin nila ito nang may positibong pananaw.
Ayon pa sa Pulse Asia nitong Biyernes, “This is the prevailing sentiment in every geographic area and socio-economic grouping — 84 percent to 95 percent and 90 percent to 92 percent, respectively.”
Mayroon lamang isang porsyento ang may negatibong pananaw sa 2024, samantalang 7 percent ang hindi makapagdesisyon.
Dumaan sa isang nationwide face-to-face interviewing Pulse Asia ang 1,200 respondents magmula Disyembre hanggang 7, 2023.
Mas mataas ang 92 percent positivity rate kaysa sa naitala sa isang surbey na ginawa ng ibang grupo magmula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 4.