33.4 C
Manila
Tuesday, November 19, 2024

Pamaskong resupply mission, hindi hinarang ng China

Nagdeliver ng Pamasko sa ating mga tropa, mangingisda, at komunidad sa West Philippine Sea (WPS) ang dalawang barko ng Philippine Navy at isang eroplano ng Air Force magmula Disyembre 11-18, ayon sa military.


Ang pagdadala ng Pamaskong regalo na bigay ng Atin to Coalition at iba pang organisasyon ay hindi hinarang o hinaras ng mga barko ng China kaya matagumpay itong nakarating sa kanilang destinasyon.


Ito ay itinaon sa patrolya ng ating mga barko sa WPS.


Umabot daw sa kalahating toneladang pagkain ang naipamahagi sa siyam na lugar na hawak ng Pilipinas sa WPS.


Matatandaang palaging hinaharass na mga barko ng China Coast Guard at Chinese militia ang mga barko ng bansa, parikular yaong mga nagdadala ng supplies para sa ating tropa sa Ayungin Shoal.

BASAHIN  2 barko ng Pinas nawasak, pambobomba ng China kinondena


Ang mga paketeng Pamasko ay nailideliver ng BRP del Pilar at BRP Jose Rizal sa Ayungin Shoal, Rizal Reef, pati na sa mga isla ng Lawak, Likas, Kota, Panata, Patag at Parola. Kasama sa bawat pakete ang bigas, noche buena items, chicken meals, at soya.


Isang C-295 aircraft ng Philippine Air Force ang nagdala ng Pamaskong pakete sa ating tropa sa Pag-asa Island, ang pinakamalaki sa siyam na isla na inuukupa ng ating tropa.


A C-295 ay isa sa pitong brand-new, medium-lift na eroplano na binili ng Pilipinas sa Spain.


Ang Pag-asa Island, ay halos 280 nautical miles (518.56 km.) mula sa Puerto Princesa City, Palawan. Ito ang nagsisilbing seat of government ng bayan ng Kalayaan. Bukod sa ating tropa, daan-daang sibilyan ang nakatira rito.

BASAHIN  Revision, hindi amendment, ang isinusulong ng People's Initiative

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA