33.4 C
Manila
Wednesday, July 3, 2024

Mahigit ₱80-K halaga ng iligal na droga, nasabat sa Malabon City

Aabot sa ₱88,400 na halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad sa Brgy. Bayan-Bayanan, Malabon City.

Narekober ang mga iligal na droga mula sa dalawang suspek na kinilalang sina alyas Josie, 38-anyos at alyas Pungay, 43-anyos, kapwa residente ng Barangay Hulong Duhat.

Ayon kay PCol. Jay Baybayan, hepe ng Malabon City Police Station, bandang 11:00 kamakalawa ng gabi noong December 16, nang madakip ang dalawa sa General Luna Street corner Esguerra Street, Brgy. Bayan-Bayanan, matapos ang ikinasang buy bust operation.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng shabu at ₱500 buy-bust money.

Sa ngayon ay nakakulong ang dalawang suspek sa Malabon custodial facility.

BASAHIN  British national huli sa hawak na 400 ATM cards

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA