Magkakaroon ng parada ng mga sikat na artista sa Sabado, Disyembre 16 sa Camanava
(Caloocan, Malabon, Navotas,Valenzuela) Area.
Ito ay hudyat nang pasimula ng ika-49 na Metro Manila Film Festival, na kung saan lalahok ang mga sikat at hinahangaang artista mula sa 10 official film entries.
Mga naggagandahan at makukulay na floats na magsasakay sa mga artista ng 10 pelikulang kasali sa taong ito ang aabangan ng maraming fans.
Kabilang ang mga sumusunod na pelikula na kalahok sa MMFF sa taong ito: 1) A Family of 2 (A mother and son story), 2) (K)Ampon, 3) Penduko, 4) Rewind, 5) Becky and Badette, 6) Broken Heart’s Trip, 7) Firely, 8) GomBurZa, 9) Mallari, at 10) When I Met you in Tokyo.
Tinatayang tatlong oras ang itatagal ng parada. Ito ay dadaan sa apat na lungsod ng Camanava.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista ng Metro Manila Development Authority (MMDA), organizer ng festival na umiwas sa ruta dahil libo-libong fans ang dadagsa sa mga kalsada para manonood nito.
Sinabi ni Acting MMDA chair at MMFF Over-all chair Don Artes na 1,000 kawani ang ide-
deploy sa buong ruta. Kabilang dito ang traffic enforcrs, miyembro ng Road Emergeny Group, Public Safety Division, Sidewalk Clearing Operations Group, Towing and Impounding Group, Traffic Engineering Center, at iba pa.
Pansamantalang isasara ang ilang lane at papayagan ang counterflow sa ilang seksyon ng mga sumusunod na kalsada, magmula 12:00 noon hanggang 8:00 p.m., Disyembre 16:
ï‚· C-4 Road – magmula Navotas Centennial Park hanggang sa A. Mabini St.
 Samson Road – magmula A. Mabini St. hanggang sa Monumento Circle
 McArhur Highway – magmula Monumento Circle hanggang sa C. Santos St.
ï‚· Bubuksan ang bawat kalsada kapag nakadaan na ang floats
Para makaiwas sa heavy traffic, dumaan sa mga sumusunod na alternate routes:
ï‚· Mula Malabon hanggang sa Navotas dumaan sa Go. Pascual at M.H. Del Pilar Sts.
ï‚· Ang mga motoristang papunta sa Moumento ay dumaan sa Gov. I. Santiago Rd., M.H.
Del Pilar St., at Samson Road
ï‚· Pwede ring dumaan sa northbound at southbound ng North Luzon Expressway (NLEX).
Ang 49 th MMFF ay magsisimula sa Disyembre 25 hanggang Enero 7 sa mga sinehan sa bansa.
Ang kikitain ng film festival ay mapupunta sa ilang benepisyaryo sa industriya ng pelikula,
kabilang ang Movie Workers Welfare Foundation, Inc., Motion Picture and Anti-Film Piracy
Council, FDCP, at Optical Media Board.