Alisin na ang 12% VAT sa electric bill – Escudero

Share

NAGKAKAISA ang sambayanang Pilipino sa pagsuporta kay Senador Francis “Chiz”
Escudero na ma-exempt o alisin ang 12 percent value-added tax (VAT) sa kuryente.


Nag-file si Escudero kamakailan ng Senate Bill No. 2301 na naglalayung gawing exempted
ang electric bill sa 12-percent VAT.


Sa ilalim na panukalang batas ni Escudero, ang mga sumusunod na transaksyon ay exempted
sa VAT: “Sale of electricity by generation, transmission and distribution companies and electric
cooperatives; and services of franchise grantees of electric utilities.”


Idiniin ni Escudero na kapag na-exempt sa VAT ang pagbibenta ng kuryente, malaki ang
ibababa ng electric bill. Ito’y magreresulta sa pagbaba ng gastos sa pagpapatakbo ng
industriya, negosyo, mapipigil ang inflation o labis na pagtaas ng presyo, magiging malaki ang
perang pwedeng gastusin ng bawat pamilya, at magiging masigla ang ekonomiya dahil sa
paglaki ng badyet para sa pagbili ng pangunahing pangangailangan at iba pang gastusin.

BASAHIN  Gaganda ang buhay sa 2024 – 92% ng Pilipino


“Hindi man makatulong na pababain ang presyo ng mga bilihin, baka naman pwede huwag na
nating dagdagan ang pasanin muna ni Juan dela Cruz,” dagdag pa ng senador.


Idiniin ni Escudero na panahon na para ma-exempt sa VAT ang pagbebenta ng kuryente.


Iminungkahi niya na dapat pagbutihin ang koleksyon ng buwis, kaysa itaas ang buwis, sa
harap nang tumataas na presyo ng pnagunahing bilihin.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Administratibong gawain ng mga guro, aalisin na—VP Sara

AALISIN na sa mga gawain ng mga guro ang may kinalaman sa administratibong mga bagay upang matututukan ng mga ito ang pagtuturo sa mga...